Ticker

6/recent/ticker-posts

Ina ng KathNiels, nagpapahiwatig na nga ba ng Kasal?

Naging maugong ang balita na malapit nang magpakasal ang Teen King and Queen Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Matapos mag viral ang mga larawan na ipinost ng kanilang mga magulan sa Instagram.

Sa mga nasabing post makikita na may tila isang wedding gown sa larawan na ipinost ng ina ni Kathryn. At may nakalagay pa itong caption na initials ng pangalan na Kathniel. At may emoticon na singsing pa itong kasama.

Samantala, hindi rin nagpahuli ang ina ni Daniel na si Karla Estrada na nagpost din ng isang tila wedding invitation. Agad na nagets ito ng mga taga-hanga ng Kathniel.

Pahiwatig na nga ba ito ng kanilang napipintong pag iisang dibdib? Kilig na kilig ang mga fans kung sakali mang totoo ang kanilang hula.

Kamakailan lang ay may ipinost si Kath na ipinagluto niya ng masarap na pagkain ang boyfriend. Makikita sa video na ipinatikim nya pa ito sa binatang aktor.

Kung susuriin ay tila hindi na talaga mapag hihiwalay ang dalawa na matagal ng magkarelasyon at patuloy na nagiging matatag sa paglipas ng mga panahon. Kaya't hindi na magtataka ang publiko sakaling sila nga talaga ay magka isang dibdib.

Ikaw, ano sa palagay mo ang mga larawan na ipinost ng kanilang ina? Maaari mong ibahagi ang iyong opinyon at magkomento lamang sa ibaba


Reactions

Post a Comment

0 Comments