Mainit na pinag-uusapan ngayon sa mundo ng pageant world sa Pilipinas. Kung sino nga ba ang nakatakdang huhusga sa mga kandidata. Para manalo at tanghaling Miss Universe Philippines.
Ito ang unang pagkakataon na iba na ang may hawak ng MUP Franchise. Napunta na ang pagiging National Director kay dating Miss Universe 3rd runner up na si Shamcey Supsup na isa ng negosyante ngayon. Hawak dati ni Madam Stella Araneta ang MUP ngunit mas pinili nang lumisan ng Miss Universe Organization sa kanila at ibinigay kay Shamcey ang nasabing Franchise.
Kung titignan masakit sa loob na umalis o iniwan nito si Madam Araneta na iginapang at nagpakahirap para lang magkaroon ng apat na Miss Universe ang Pilipinas. Ngunit sa isang banda ay mas mabibigyan nga naman ng pansin kung sa Miss Universe nakatuon ang pinaka gantimpala kaysa may mga kasama itong ibang title gaya ng Miss International, Miss Supranational, Miss Grand International at marami pang iba.
Samantala, isa sa mga pinaka pinag uusapan ngayon kung sinu-sino ang mga mapapabilang bilang hurado sa nasabing kompetisyon.
Isa sa mga pangalan na lumutang ay si Pambansang Bae Alden Richards. Na di makakailang mahusay ang taste pagdating sa pagpili ng tamang babae. Kasali din sa listahan sina Miss Universe 2012 1st Runner up Janine Tugonon, Miss Universe 1969 Gloria Diaz, at Charlene Gonzales na lumaban din noon sa Miss Universe ng idaos ito sa Pilipinas.
Mapapanood ang Miss Universe Philippines sa Kapuso Network sa October 25, 2020 alas-9 ng umaga.
0 Comments