Noong nakaraang linggo ay ipinalabas sa "Kapuso mo, Jessica Soho" ang kakaibang tandem nina Batman at Robin.
Sa Goa, Camarines Sur, i-fineature sa KMJS ang istorya kung paano nagkatagpo ang landas nina Robin na labing dalawang taong gulang na bata. At ang kanyang alagang paniki na si Batman na tatlong buwang gulang na.
Ayon sa kwento ni Robin, napulot niya si Batman noong Hulyo. At mula noon ay naging matalik na magkaibigan na ang dalawa. Galing umano si Robin sa broken family, hiwalay na ang kanyang mga magulang, may sari-sarili na itong pamilya at ang lola nito ang kasama nalang sa buhay.
Kaya ang paglalambing na hinahanap nito sa kanyang mga magulang. Natagpuan niya ito kay Batman.
Maganda na ang simula ng kwento pero habang malapit ng matapos ito ay tila salungat na ito sa gustong mangyari ng mga netizens. Nakunsensya ang mga netizens sa ginawang pagpapakuha sa paniki para iturn over sa municipal office.
Screenshot from KMJS YouTube |
Screenshot from KMJS YouTube |
Screenshot from KMJS YouTube |
Screenshot from KMJS YouTube |
Kitang-kita sa mga mata ni Robin ang kalungkutan at napilitang ibigay na lamang si Batman sa kinauukulan. May nakasaad raw kase sa batas bawal mag alaga ng wildlife at endangered species na ang uri ng paniki na inaalagaan ni Robin.
Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens.
"Pag yang bata na-depressed ha, walang sisihan KMJS."
"Imagine the emotional torture na ginawa niyo sa bata, palitan nyo ng dog or bird yubg pet niya. That's the least you can do."
"Nawalan ng bestfriend yung bata, at same time kumita ang KMJS sa story, apakagaleng naman talaga."
"Naiiyak yung bata, binigay niya yung bestfriend niya ng labag sa kalooban niya. Sana di nalang sila nagpa KMJS."
Marami pang mga komento ang maari mong basahin kapag nagtungo ka sa uploaded na episode video ng KMJS sa YouTube.
Maraming nadismaya sa kwento at kung paano ito natapos. Hiling nila ngayon sa programa balikan nila si Robin at bigyan ng bagong bestfriend na makakasama gayong mag isa lang si Robin at ang lola nito.
0 Comments