Ticker

6/recent/ticker-posts

Tumanggap ng Cornea ng pumanaw na si Aj Perez, napanood sa Bawal Judgemental.


 Isa sa mga pinaka inaabangang segment sa Longest Running Noontime Show. Ay ang "Bawal Judgemental" 

Nakasanayan na ng mga Pilipino na maging kasalo sa kani-kanilang mga pananghalian ang nasabing programa. Bukod sa kasiyahan kasing naidudulot ng segment. Nagkaroon din ng kaalaman ang mga manonood. 

Binibigyang pagkakataon kasi ng segment na ipahayag ang mga kasalukuyang estado ng iba't-ibang buhay at kwento. Kung kaya't marami ang nakakarelate palagi rito.

Kamakailan ay nagulat ang mga dabarkads matapos mapagtanto na isa pala sa mga pinagpipiliin sa "Bawal Judgemental" ang tumanggap ng cornea ng namayapangAktor na si AJ Perez. 

Mga taong nag-donate o tumanggap ng organ ang mga bisita sa "Bawal Judgemental" at dito na nga napag alaman ng Dabarkads na si John Daniel delos Santos ang tumanggap ng mga cornea ng namatay n aktor na AJ Perez.

Kuwento ni Daniel, nagkaroon siya ng tila pilat sa isa niyang mata noong mahigit isang-buwan-gulang pa lang siya. 

 "Tapos hindi po alam kung ano 'yung cause po nun," 

"Siguro daw po, alikabok daw po 'tapos nakusot ko, or baka daw po nakalmot ko ng kuko ko.” 

Naging mahirap daw kay Daniel ang pagbabasa na isa lang ang mata na kung minsan ay nagiging dahilan ng pagsakit ng kaniyang ulo. 

 Walong-taong-gulang si Daniel nang isailalim siya sa operasyon noong 2011 para ilagay ang cornea ni AJ, na nasawi sa aksidente nang taong din iyon. 

 Ayon sa bisitang doktor sa "Eat Bulaga," dapat mailipat kaagad sa tao sa loob ng 24 oras ang idinonate na cornea mula sa taong namayapa na. Nilinaw din ng doktor na ang cornea ay dapat kunin lamang sa taong pumanaw na at hindi maaaring magdonate ng bahaging ito ng mata ang mga buhay pa. 

Ngayon, 17-anyos na si Daniel at labis ang kaniyang pasasalamat sa namayapang aktor at sa pamilya nito. 

 "Sa parents po ni Kuya AJ, saka sa kanya po mismo, maraming maraming salamat po kasi napakalaking tulong po sa akin nung cornea niya po," ani Daniel. "Habambuhay po na pasasalamat sa kanila po dahil malaking tulong po ito hanggang paglaki ko,"   dagdag pa nito.
Reactions

Post a Comment

0 Comments