Marami ang nagtaas ng kilay matapos itong magviral sa fb post ng isang sikat na magazine show na Kapuso Mo Jessica Soho. Ayon sa mga nasaba naming mga komento isa raw itong uri ng pang-aabuso sa kabataan o child abuse.
Halina't sulyapin ang mga komento ng ilan sa mga netizens na tutol sa ganitong uri ng tradisyon.
"Forced marriage should be condemned because this is a human rights violation. Every woman should be given an opportunity to choose and make decisions about their lives. Stop supporting practices which could make every woman more vulnerable to violence!"
"Hnd yan dapat hinahayaan na ganyan. Kahit sabihin na tradisyon nila. Nakakadissapoint ung mga magulang ng bata."
"dapat lang nman talaga itigil mga ganyan kahit pa sabihin na kultura nila di ka tanggap2x pano na lang ang mga pangarap ng ganitong mga bata na dapat nag eenjoy pa sa kanilang buhay,...mga magulang lang may kagustuhan niyan di yan kagustuhan ng anak bigyan nyo nman kalayaan anak nyo wag ganito, at her age kelangan pa niya ng gabay at kalinga ng mga magulang. money can't buy happiness..no to fix/forced marriage🤨 just my opinion🤨"
"dapat lang matigil na yung ganyang konsepto ng mga kababayan natin. Sa ganyang age dapat hinahayan pa silang maging bata talaga. too early para sa responsibility para maging asawa ng mas nakakatanda sa kanila. tsaka andyan yung abuse eh. kelangan maturuan o mamulat sila sa pwedeng effect non sa bata.
kelangan lang may mag turo sa kanila, kung ano ang tradisyon sa tama. naging tradisyon yan kasi don sila nasanay. kung ang bata o mas nakakatanda napapalibutan o nasanay sa ganong konsepto di nila iisipin na mali yung nagagawa nila. sana may mag orient sa kanila about child rights. hindi sa inaalisan sila ng karapatan o di nirerespeto yung kultura nila. kelangan lang natin maging bukas pa ang isip lalong lalo na sa mga bata."
Pero alam mo ba na ang pagpapakasal na gaya nito ay nasa sulat sa kanilang tradisyon? Kapag kasi nakita na magkasama ang isang babae at lalake sa iisang kwarto o lugar kailangan itong ikasal agad-agad. Magkalayo man ang agwat ng mga edad nito ayon na mismo sa isang istorya na i-fineature sa KMJS noon.
Sang-ayon kaba sa ganitong tradisyon sa Mindanao?
©Kmjs |
|
©Kmjs |
©Kmjs |
0 Comments