Nagviral kaninang umaga ang panawagan. Na bigyang pansin ng National Government ang buong Cagayan dahil halos lubog na ang labing apat na bayan nito sa baha, bunga ng Bagyong Ulysses at ang ginawang pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam.
Hindi bababa sa limang katao ang naitalang na nasawi at patuloy padin ang rescue operations para isalba ang mga kababayan natin na halos sa itaas na nang bubungan natutulog.
Nagkalat din ang mga donation drive online upang matulungan ang Cagayan. Maging si Vice President Leni Robredo ay nanawagan na rin na bigyang pansin ang Cagayan.
Matatandaan na nakatutok ang mga media sa Metro Manila at mga kalapit na lugar nito. Lalong lalo na ang Marikina.
Magpa hanggang kasi sa ngayon ay lubog parin sa baha roon. Na sinisisi rin sa ginawang pagpapakawala ng Dam.
0 Comments