Kamakailan ay nagtrending ang #NasaanAngPangulo sa Twitter. Ito ay upang maiparating ng mga netizens kung nasaan na nga raw ba ang pangulo? Habang sinasalanta ng Super Typhoon Rolly ang isla ng Luzon.
Mula kasi ng magsimulang pumasok sa Philippine Are of Responsibility ang Bagyong Rolly ay hindi na nakita pang muli si Pangulong Duterte ayon sa kanyang mga kritiko.
Samantala, magbalik tanaw naman tayo kung kailan nagsimula ang #NasaanAngPangulo. Nagsimula ito noong si Benigno Aquino o PNoy pa ang nasa pwesto. Kinwesyon ang kanyang pagiging competent na lider sa gitna ng disaster. Noong panahon ng Yolanda halos anin na libo ang nasawi na tinaguriang pinaka malakas at mapaminsalang bagyo sa kasaysayan ng mundo.
Balik naman tayo sa kasalukuyan. Kung sasagutin ang tanong kung nasaan ang pangulo noong pumasok ang bagyong Rolly? Ayon sa ulat ay nasa Davao si Duterte. Wala naman masama kung naroon sya. Ngunit minamasama ito ng kanyang mga kritiko.
Kung pagbabasihan ang mga nasawi noon sa Yolanda versus kay Rolly. Ay napaka laki ng depirensya nito.
Dito rin makikita na sa negatibong bagay lang nakatoon madalas ang media. At hindi nakikita ang napakalaking diperensya.
Matapos mag trending ang nasabing hashtag. Mabilis na ipinagtanggol ng palasyo kung bakit nasa Davao ang pangulo.
Ayon sa Palasyo.
"Hindi porket nasa Davao ang pangulo ay wala na itong ginagawa."
Kinabukasan ay personal na nag aerial survey sa mga lugar dinaanan ng bagyo si Pangulong Duterte kasama ang kanyang personal assistant at senador na si Bong Go.
Narito ang mga larawan na kuha na ibinahagi ni Senator Bong Go.
0 Comments