Ticker

6/recent/ticker-posts

Maine Mendoza, hindi na babalik sa E.A.T?

Matagal-tagal na ring hindi napapanood si Phenomenal Star Maine Mendoza sa TV 5 Noontime Show na E.A.T. Sa nakikita kase ng mga taga-hanga ay tila wala na itong balak bumalik pa sa nasabing palabas.





Matatandaan na maha-habang bakasyon ang ginugol ni Menggay sa America kasama ang kanyang asawa na si Kapamilya Best Actor Arjo Atayde na napapabilang lagi sa mga nominasyon sa mga Award Giving Bodies sa ibat ibang panig ng mundo. Todo support naman si Maine Mendoza rito bilang kanyang kabiyak.




Samantala, sa sobrang tagal na nga ni Menggay na hindi nakikita sa E.A.T tanong tuloy ng ilan, ‘Babalik pa ba si Menggay sa E.A.T?”

“Si Menggay lang talaga yung dahilan kung bat ako nanonood ng palabas nila. Sana bumalik na siya.”

“Hindi ko gusto yung ginagawa nilang parang kalyeserye na Lola Belen at Tasha. Si Menggay lang ang one and only at walang makakapalit sa kanya.”

“Akala ko si Lola Nidora, akala ko nabalik na yung kalyeserye. Si Lola Belen pala iyon, Lola ni Tasha.”

Iyan ang ilang sa mga sentimyento parati ng mga netizens na naghahanap kay Maine. Babalik pa nga ba si Menggay or magfofocus na ito sa buhay may-asawa?

Reactions

Post a Comment

0 Comments