Ticker

6/recent/ticker-posts

Friends ni Kathryn, inunfollowed si Daniel Padilla. BAKIT KAYA?

     Sa pag-usad ng rebelasyong isiniwalat noon ni Ogie Diaz tungkol kina Daniel Padilla at Andrea Brillantes. Tila nagiging malinaw na raw ngayon pa-unti-unti ang mga detalye. Ayon pa sa ilang mga netizens,



"Kapag may usok, may apoy." 

Senyales na totoo umano ang chismis na nagloko si Daniel Padilla sa kasagsagan ng kanilang relasyon ni Kathryn Bernardo.

Isa-isa na kasing nagsi-unfollow ang mga malalapit na kaibigan ni Kath kay DJ sa Instagram. Ang mga kaibigan na ito ay sina, Chie Filomena, Robi Domingo. Samantalang sina Miles Ocampo at Loisa Andalio naman ay inunfollow si Andrea Brillantes.

Kaya naman ang tanong ng mga tao sa social media, "May katotohanan nga ba ang chismis at hiwalay na nga ba ang KathNiel?"

Sa konteksto, isiniwalat ng batikang showbiz insider na si Ogie Diaz na may nakarating sa kanyang chismis na pasikretong nagkikita ang kapwa mga kapamilya stars na sina Daniel at Andrea.

May isa pang chismis na kumakalat na magkatabi pa itong natulog sa condo ni Blythe.

Reactions

Post a Comment

0 Comments