Ticker

6/recent/ticker-posts

Paolo-Arra, Balak gawing AlDub ng Eat Bulaga?

    Marami ngayon ang na-iintriga sa sweetness na pinapakita sa noontime show na Eat Bulaga ng mga host nito na si Paolo Contis at Arra San Agustin. Nagtatanong na nga ang ilang mga netizens kung totoo ba ito o scripted lang ang lahat. Alam naman kase ng lahat na taken na si Paolo Contis.



 Matatandaan na naging kontrobersyal pa nga ang paghihiwalay nila ng landas ng dating partner na si LJ Reyes. Ilang linggo lang noon ay lumabas na may relasyon na sila ng kanyang co-actor sa pinagsamahang pelikula na si Yen Santos.






Nauso pa nga noon ang salitang "Baguio as a Friend"

Samantala mabalik tayo sa kanilkang sweetness na pinapakita sa noontime show. Ayon sa haka-haka na aming nasagap, balak gayahin ang konsepto ng AlDub ng kasalukuyang mga host.

Sa programa ni Cristy Fermin na "Showbiz Now Na!" napag-usapan nila ang tungkol sa nasabing issue.

Ayon kay Cristy Fermin. "Kung gimik ito na mala Aldub dahil nagtagumpay ang Eat Bulaga noon dahil kina Alden Richards at Maine Mendoza, hindi na po ito panahon na ganito."

"Ibang klase na po ang labanan ngayon. Alam na nating kumilatis sa kung ano ang de-kolor sa puti."

"Hindi magandang gimik yun sa isang programa para tumaas."

Reactions

Post a Comment

0 Comments