Ticker

6/recent/ticker-posts

Tasha, nasapawan na ang mga Co-Host sa E.A.T?

     Tila pinagtatapat ng mga netizens ngayon ang dalawang dabarkads na sina Phenomenal Star Maine Mendoza at Atasha Mulach. Makikita kasi ang pamamayagpag ng career ni Tash simula nang ipakilala ito bilang bagong dabarkads sa Noontime Show na E.A.T. Maging ang kanyang mga co-host umano ay natalbugan na. 


    Ayon sa mga tao, kamakailan lang siya ini-launched pero may TV Commercial na ito ng isang sikat na Fast Food Chain sa bansa. At magkakaroon pa ito ng single na malapit na ding i-release ng kanyang management na Viva Agency.

    May mga ilang nagtatanggol naman at sinasabing kaya maganda ang takbo ng karera ni Tash ay dahil hawak siya ng Viva at alam nilang i-market ang kanilang talent. Kumpara kina Ryzza at Carren na tila self manage lang or hawak lang ng TVJ management.

    Kung sina Ryzza ang tatanungin walang issue na namamagitan sa kanilang mga co-host. Masaya silang lahat sa mga achievement na nararating ng isat-isa.

Reactions

Post a Comment

0 Comments