Ticker

6/recent/ticker-posts

Anjo Ylanna, Isiniwalat ang dahilan ng pag-alis niya sa Eat Bulaga noon.

     Sa mga masugid na manonood ng Eat Bulaga, marahil pansin niyo rin na matagal nang hindi napapanood si Dabarkads Anjo Ylanna. 



    Ayon sa akotor/tv host na si Anjo matagal na panahon itong naging host ng Longest Running Noontime Show na Eat Bulaga. Sa mga taong iyon maraminbg beses na rin daw siyang tumanggi sa mga offer na gumawa ng pelikula at mga teleserye na lubos niyang pinagsisihan na sana ay nagawa niya noong medyo bata-bata pa ito. Pero paglilinaw ni anjo wala itong sama ng loob kina Tito, Vic and Joey o TVJ.

 Kung may sama man sila ng loob sa akin siguro mga ilang araw lang yun. Mas mahaba pa din yung panahon ng pinagsamahan namin.

Tinanong din siya kung game pa din ba siyang bumalik sa Eat Bulaga. Mabilis niyang tugon, ay oo naman. Inamin niya na nag-resign siya noon sa Eat Bulaga dahil may regret ito sa kung ano ang naging takbo ng career nito kung nagtuloy-tukloy siya noon sa kanyang pag gawa ng pelikula instead of hosting sa mahabang panahon sa nasabing show. Pero grateful siya na kabahagi siya ng Eat Bulaga at naging parte ito ng kanyang buhay.

Samantala, natanong din siya kung papayagan nitong mag showbiz anbg kanyang mga anak in the future. 

"Oo naman hindi ko naman sila pwedeng diktahan sa kung ano yung gusto nuilang tahakin pero ang payo ko sa kanila as much as possible mas tutukan nila yung education. Kase ako ranas ko na yung sa industriya mahirap din. May panahong wala may panahon meron. Kaya mas okay na i-prioritize padin talaga ang pag-aaral."

Isa pang dahilan kung bat siya napilitang mag resign ay dahil maysakit ang kanyang ina at kailangan ng pondo para pagpapagamot nito kung kayat napiitan siyang tanggapin ang offer ng kabilang network na katapat man din ng Eat Bulaga noon.

Reactions

Post a Comment

0 Comments