Ticker

6/recent/ticker-posts

Lumikha kay Lola Nidora, Lumantad sa isang interview!

    Isa sa mga pinaka hindi malilimutang karakter sa telebisyon na ginampanan ni Wally Bayola ay si "Lola Nidora" sa Longest Running Noontime Show na Eat Bulaga. Pero sa tinagal tagal na ng panahon, alam niyo ba kung sino ang lumikha sa character na ito at kanino ito binase?



 Sa isang interview ni Romel Chika sa isang miyembro ng LGBT na si Nikki Chavez. Naisiwalat na siya pala ang lumikha sa karakter ni Lola Nidora sa Kalyeserye ng Eat Bulaga. Sa paglalahad ni Nikki ay sa kanya pala ibinase ang itsura at pananalita ni Lola Nidora na ginampanan ni Wally Bayola. 

Nagtrabaho kasi noon si Nikki sa Eat Bulaga bilang creative consultant at isa sa mga ginagawa nila ay mag isip ng mga segment at pakulo sa programa. Ibinunyag niya rin na pagkatapos niyang magtrabaho sa EB ay lumipat ito sa Showtime siya umano ang nakaisip ng Trabahula at Tawag ng Tanghalan.


Reactions

Post a Comment

0 Comments