Ticker

6/recent/ticker-posts

Miles Ocampo, namula at kinilig sa mga titig ni Kiko Estrada.

     Tila naging masaya ang naging episode kanina dahil hindi lang ito basta saya kundi may kasamang kilig. Guest player kasi si Kiko Estrada para segment na "Peraphy" ng Longest Running Noomtime Show na Eat Bulaga. Isa sa mga kasamang host ngayong araw na sinamahan siya ay si Dabarkads Miles Ocampo. 


Pero habang ginaganap ang laro kitang kita sa mga galaw ng dalawa na attracted sila sa isat-isa. Maging ang mga tingin ni Kiko Estrada kay Miles ay tila nakakatunaw. Na agad namang napansin ng mga dabarkads.

"Teka parang namumula ka." tugon ni Menggay.

Tilian naman ang mga tao sa audience, maging si Bossing ay tila kinikilig na din sa dalawa. Hindi na rin naiwasan ni Madam Allan K na magtanong, "Kiko, Single kaba?"

"Its for you to find out." ang pareho nilang tugon.

Dahilan para maghiyawan ang mga nanonood sa studio at maging ang mga co host nila ay kilig na kilig din. Eto na kaya ang loveteam na magbibigay hit sa tanghalian? AlDub vibes yarn? Iyan ang ating aabangan..

Reactions

Post a Comment

0 Comments