Isang ulat ang nakarating sa amin mula sa isang insider sa Kapamilya Network at kinumpirma na walang namamagitan sa KathDen na binubuo nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Ayon pa sa kanya ay sadyang ginawa raw talaga ang mga pakulong pampakilig na ito upang mas maraming ma hooked at sumuporta sa pelikulang “Hello,Love,Again”.
Matapos malathala ay maraming fan ang umalma tungkol sa isiniwalat ng aming source na tumangging magpakilala. Dahil tuloy sa nangyayari ay napa throwback kami noong kasagsagan ng Phenomenal Loveteam na AlDub.
Kung saan maraming tao ang nahooked at samut-saring mga tao ang naniwalang mag asawa na sina Alden at Maine.
Samantala, umaasa pa din naman kami na magkakatuluyan sila kung totoong may namamagitan man sa kanila. SANA.
Pero uunahin na namin kayo. Wala daw talaga ayon sa aming source.
0 Comments