Isa si Caridad Sanchez sa mga matatawag n institusyon sa mundo ng Showbiz.
Matatandaan na huling napanood sa telebisyon ang nasabing aktres sa programa ng GMA 7 na "One True Love". Simula noon ay hindi na ito lumabas pa sa telebisyon.
Samantala nagpasya ang kanyang anak na isapubliko ang mga dahilan kung bakit bindi na aktibo si Caridad sa industriya. Isiniwalat ni Cathy Sanchez Babao na noong pang 2015 ay na diagnose ang kanyang ina sa sakit na Dimentia.
Isa itong sakit kung saan nagigibg makakalimutin ang taong dinadapuan ng sakit na ito. Unti-unti rin nawawala ang mga alaala nito.
Naikwento pa ni Cathy na noon raw ay tinanong nila ang kanyang ina kung ano ang dream role nito. Mabilis na sumagot si Caridad at sinabing nais nito na gumanap bilang isang makakalimutin na paminsan minsan ay nakaka alala na role.
Hindi alam ni Cathy kung matutuwa siya sa wish na ito ng kanyang ina dahil ngayon ay unti unti ng natutupad ito sa kanyang buhay ang maging makakalimutin.
Dagdag pa niya dapat daw na hindi ikahiya ang mga may ganitong uri ng karamdaman at wakasan na ang stigma.
Samantala, inalmahan naman ng kapatid ni Cathy Sanchez ang pagsasapubliko nito ng kalagayan ng kanilang ina. Paglabag raw ito sa right of privacy ng kanilng ina. Itinanggi rin nito na may dimentia din ang kanang nanay. Malakas pa daw ito at nakakapag ehersisyo pa sa umaga sa kanila.
0 Comments