Ticker

6/recent/ticker-posts

CHR, nakiusap na huwag idamay ang bata sa kasalanang ginawa ng ama.

Nakikiusap ngayon ang Commission on Human Rights sa Publiko na wag idamay sa galit at pangba-bash ang batang babae. Dahil menor de edad pa ito at marahil hindi nito naiintindihan ang mga aksyon na nagawa nito.



Sinabi pa ng CHR na huwag ikalat ang video o mga larawan ng bata dahil baka lao raw makasama ito sa sitwasyon ng bata.

Ito ay ayon sa mga napanood naming mga panayam at statement na inilabas nila sa media gaya ng GMA News at ABS-CBN News.

Narito ang official statement ng Commission on Human Rights. 




Samantala, hindi naman pabor ang publiko na hindi idamay ang bata dahil kahit saang anggulo mo raw tignan ay kasama sa nag triggered sa ama na paputukan ang mag-ina ay ang mga sinambit nito na "My Father is a Policeman."

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens. 


"Naku nman Human rights na to! Pagtatangglo nnman ung bata ehh cya nga ang demonyita jan!!  Kulong u din cya! D na yan magbabago ng ugali..kita mo nga d walang takot khit nakita nya pumatay tatay nya..cya rin wala sa hitsura nya ang pagkabigla o pagsisisi..parusahan din cya!!"

"Dapat s ganitong sitwasyon pinagbawalan sna yung bata kc maari cyang masktan sa sitwasyon n yon,pero bakit hinayaan lng ng ama nya at nakisaw2 pa, sna maging leksyon ito sa mga magulang n kpag may ganitong sitwasyon sn wag n natin isama oh kya pagbawlan n lng"

"Wow..CHR..protektado nyo pa talaga ang mala-demonyang bata..kitang-kita na..dalhin nyo kaya sa mental hospital yan..dyan nyo matutulungan ang demonyang bata..😠"

"DSWD kunin nyo yong bata turuan ng mabuting asal."



Reactions

Post a Comment

0 Comments