Ticker

6/recent/ticker-posts

Alden Richards, binatikos sa biglang pag amin ng feelings kay Maine Mendoza.

 


Kaliwat kanan ngayon ang mga reaksyon mula sa mga netizens at sa mga dating miyembro ng AlDub Nation. Sa isiniwalat ni Pambansang Bae Alden Richards. 


Sa kauna-unahang pagkakataon kasi ay inamin na nito sa publiko ang kanyang tunay na nararamdaman kay Phenomenal Star Maine Mendoza. Sa katanungan ni Tito Boy Abunda, inamin nito na nahulog ang loob niya kay Menggay sa kasagsagan ng AlDub. Ito rin daw ang biggest breakup niya pero in a good way dahil para mag grow silang dalawa as individual artist.



May ilang mga kinilig, ang iba naman ay nanghinayang dahil bakit ngayon nga naman siya umamin gayong masaya na si Menggay sa buhay may asawa. Matatandaan na ikinasal sina Arjo at Maine noong July ngayong taong ito.




Pero ang karamihan nagdududa sa biglaang pag amin na ito ni Tisoy. Bagamat si Tito Boy ang nagtanong marahil ponag usapan na raw ito bago paman magsimula ang interview. 


Sabi pa ng ilang mga netizens ginagawa lang ito ni Tisoy dahil may pelikula ito para umingay ang pangalan niya at may manood ng pelikula nilang ‘Five Breakups and a Romance’ na mapapanood na sa mga sinehan ngayong Oktubre.

Reactions

Post a Comment

0 Comments