Ticker

6/recent/ticker-posts

Daniel Padilla, pasikretong nakikipag-kita kay Andrea Brillantes?

     Ito ang kontrobersyal na isiniwalat ng sikat na showbiz chikadora ngayon na si Ogie Diaz. Sa kanyang YT channel na Showbiz News, ibinunyag na may nakapagsabi sa kanya na source na hiwalay na nga raw ang Blockbuster Loveteam na KathNiel na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.




Bagama’t hindi pa kumpirmado ang nasagap niyang balita. Mas mabuti na daw na ipaalam nya sa publiko upang tahasang magsalita ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon kung sila pa nga ba o hiwalay na. Dahil sa balitang ito maraming fans ang hindi natuwa kay Ogie Diaz at tinawag siyang “fake news peddler”





Sa hiwalay na video sinagot ni Ogie Diaz ang mga bumabatikos sa kanya. Matapang din siyang nagbigay komento. 


“Kapag tama kami sasabitan nyo ba kami ng medalya?”



Tila tiwala si Diaz na legit ang kanyang nasagap na chika kung kayat pinanindigan niya ito. Ikaw ano sa palagay mo? Hiwalay na nga ba sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo?




Reactions

Post a Comment

0 Comments