Ticker

6/recent/ticker-posts

TVJ, tuluyan nang nabawi ang 'Eat Bulaga'

     Isang masayang balita ang inihatid ng TVJ sa kanilang facebook page. Matapos kase nilang matanggap ang naging desisyon ng Intellectual Property Office of the Philippines noong nakaraang taon. Ngayong bagong taon naman ay dumating na rin ang desisyon mula naman sa Korte.



    Ayon sa Marikina RTC Branch ay pinagbabawalan na nito ang pamunuan ng GMA Network at Tape Incorporated sa paggamit ng Eat Bulaga Trademark. 



    Kanina nga ay malaya nang inawit ng mga Dabarkads ang EB Theme Song nila. Matagal tagal ring hindi ito napakinggan ng publiko.






    Samantala, maluwag na tinanggap ng kabilang panig ang naging desisyon ng korte at tuluyan na silang nagpalit ng titulo. Tinawa nila na "Tahanang Pinakamasaya" ang kanilang programa sa GMA 7.






Reactions

Post a Comment

0 Comments