Ticker

6/recent/ticker-posts

Paolo Contis, Umabsent sa premiere night para di matanong tungkol sa Eat Bulaga Trademark.

Naganap na nga ang premiere night ng pelikulang pagtatambalan nina Paolo Contis at Rhian Ramos. Pero imbes na matuwa ang mga dumalo ay nadismaya ang mga ito dahil absent umano ang mismong bida nito na si Paolo Contis. 


Ginanap ang premiere night sa Megamall ng 'Ikaw at Ako' nitong Martes, December 5, 2023.

Idinirek ito ni Rechie del Carmen.

Tanging ang si Rhian Ramos lang ang dumalo sa lead cast  kasama si Boots Anson Roa. 

Noong araw na iyon ay inilabas ang desisyon ng Intellectual Property Office ang desisyon kaugnay ng tunay na nagmamay-ari ng Eat Bulaga. Ito at walang iba kundi ang TVJ ibig sabihin nito ay maari nang gamitin ng legit dabarkads ang titulo nilang inagaw ng GMA at TAPE.

Malakas ang duda ng press na kaya hindi dumalo sa nasabing premiere night ng pelikula si Paolo Contis ay para makaiwaa ito sa mga magtatanong kaugnay ng naging desisyon.

At ngayong Miyerkules nga, tinanong ang Kapuso Actor kung totoo bang umiiwas siyang tanungin tungkol sa trademark issue ng TAPE at TVJ.

"Korek!" ang mabilis nitong sagot.



Reactions

Post a Comment

0 Comments