Ticker

6/recent/ticker-posts

Vice Ganda, gustong kuning host si Andres Mulach sa It's Showtime.

     Sa promo vlog na ginawa nina Vice Ganda para sa bagong pelikula ni Aga Mulach at Julia Baretto  under Viva Films na "Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko". Matapos masagot ni Aga ang lahat ng mga katanungan sa kanya ni Vice sa huli ay pinakita nito ang larawan ng kanyang anak na lalake.



Si Andres Mulach, na binatilyo na ngayon at makikita rito kung gaano nito namana ang kakisigan ng kanyang ama noong kapanahunan nito. Hindi tuloy napiligilang itanong ni Meme Vice na...

"Si Andres, hindi magso-showbiz?"

"Kase si Atasha nasa Eat Bulaga na, oh edi ilagay natin sa Showtime si Andres, para tig-iisa silang channel."

"Oh Andres, yung kapatid mo nasa Eat Bulaga na edi shumotime tayo. Para may gwapo naman dun bukod kay Ion, ang tatanda na nang mga kasama ko dun si Vhong ang tanda na, si Ogie Alcasid may gout na. Diba, sama ka naman sa amin oh."

saad ni Vice habang tila kinakausap ang larawan ni Andres.

Samantala, tila kinikilig naman si Aga sa mga binitawang salita ni Vice Ganda at tila payag ito na ipasok sa Showtime ang anak.




Reactions

Post a Comment

0 Comments