Ticker

6/recent/ticker-posts

Kokoy de Santos, Dismayado sa pagligwak sa Tahanang Pinakamasaya.

 Sa isang ambush interview ng press ay nahablot nila si Kokoy de Santos. Matatandaan na isa sa mga naging pangunahing host si Kokoy sa TAPE produce na noontime show sa GMA Network na "Tahanang Pinakamasaya"



Kamakailan nga ay umukit ng kasaysayan sa mundo ng telebisyon ang naging paglipat ng Kapamilya Noontime Show na "Its Showtime" sa Kapuso Network. 

Natanong si Kokoy kung ano nga ba ang nararamdaman nito sa ginawang pagligwak sa kanila ng GMA 7. Tila mas pinaboran kasi ng management ang mga taga ABSCBN kumpara sa kanilang mga homegrown artist.

Ayon kay Kokoy, hindi maalis ang pagkadismaya sa nangyari dahil pamilya na umano ang nabuo sa kanilang samahan sa Tahanang Pinakamasaya. Pero wala na raw siyang magagawa kung ganun ang nangyari. 

Hindi rin kasi makakaila na humina ang hatak ng programa ng ipinilit pa nilang gamitin ang trademark na EAT BULAGA. Dahilkan upang makatanggap sila ng mga pambabash mula sa publiko. Simula noon ay kumonti na ang mga nanonood sa programa.

Reactions

Post a Comment

0 Comments