Ticker

6/recent/ticker-posts

Alden Richards, nililigawan si Kathryn Bernardo?

Marami ngayon ang kinikilig sa mga naglilipanang mga videos kung saan binigyan ng mamahaling bulaklak na rosas ni Pambansang Bae Alden Richards si Kapamilya Actress/Blockbuster Queen na si Kathryn Bernardo.




 Makikita na sweet ang dalawa, ayon pa sa mga nakakita parang hindi lang ito normal na magkaibigan lang. Para umanong may something sa kanila. Kamakailan ay inanunsyo ni Kath na naka move on na siya sa nangyaring break up nila ni Daniel Padilla. 







Fully healed na daw ang lahat ng sugat na natamo niya sa past relationship nito. Pero ready na ba ulit siyang umibig sa katauhan ni Alden Richards? Maraming tao ang kilig na kilig sa kanila at tila gustong sila ang magkatuluyan. May mga humihirit pa na gawin na nila ang part 2 ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye” na naging Highest Grossing Filipino Film of All Time noong panahong nirelease ito. Sa kasalukuyan ay nasungkit na ng pelikulang “REWIND” ang kanilang trono at 2nd nalang sila ngayon sa listahan ng Highest Grossing Film.
Reactions

Post a Comment

0 Comments