Ticker

6/recent/ticker-posts

Maine at Alden, binabatikos sa pag-endorso ng sugal.

Binabatikos ngayon sina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Phenomenal Star Maine Mendoza dahil kanilang ginawang pagtanggap sa proyekto na maging ambassador ng mga kumpanyang nagpapasugal. 



Si Menggay ay kinuha ng Bingo Plus samantalang si Tisoy naman ay kinuha ng Casino Plus na pawang mga nagpapa adik sa mga tao na magsugal. Hindi ito nagustuhan ng mga netizens. Tila hinihimok pa raw ng dalawa na magsugal ang mga tao o tagahanga nila. 

Marami ng napabalita na nasira ang buhay dahil sa mga online casino games na ito. Marami na din ang nabaon sa utang. May mga pamilya na rin ang nasira dahil ang mga asawa nila ay nalulong sa pagsusugal online. Dahil imbes na ipang gastos sa pagkain or sa pangunahing pangangailangan ay ipinangsusugal pa ito. 

Kaya naman hirit ng netizens bitawan nina Maine at Alden ang pagiging ambassador ng mga nasabing sugal na ito.
Reactions

Post a Comment

0 Comments