Ticker

6/recent/ticker-posts

Anjo Yllana, binuking kung sino ang naka-imbento ng salitang "Dabarkads"

     Sa isang panayam na pinaunakan ni dating dabarkads Anjo Yllana. Inilahad nito kung sino nga ba ang tunay na naka imbento ng salitang 'Dabarkads'.  Matatandaan na noon ay nagpahiwatig si Anjo na nais niya pa sanang makabalik ng Eat Bulaga ngunit mukhang malabo na raw ito dahil sa isang dahilan.



Kapag daw kasi nagresign kana malabo ka nang makabalik pa. Noong time kase na nagresign siya ay kinaylangan niyang tutukan ang maysakit na ina. Kaya kahit masakit man sa loob niya na umalis noon ay wala na siyang nagawa. 

Inamin ni Anjo na simula ng umalis siya sa Eat Bulaga ay tumamlay ang kanyang karera sa industriya ng Showbiz. 

Pag amin pa ng aktor na marami padin ang tinatawag siyang dabarkads itoy kahit matagal na siyang wala sa nasabing programa. Nagbigay trivia pa ito kung saan nga ba nanggaling ang salitang Dabarkads.

Ito raw ay inimbento ni Francis Magalona. Bukambibig niya raw ito noon kung kaya't ito na naging opisyal na tawag sa kanilang samahan. Paglalahad pa ni Anjo na proud siya na maging bahagi ng OG Dabarkads.

Reactions

Post a Comment

0 Comments