Ticker

6/recent/ticker-posts

Bea Alonzo, naghain ng cyber libel laban kina Cristy Fermin at Ogie Diaz.

Ayon sa report ni GMA Showbiz Correspondent Nelson Canlas, Naghain ng tatlong magkakahiwalay na criminal case for cyber libel si Bea Alonzo sa Quezon City Prosecutors Office laban sa mga showbiz columnist at online hosts na sina Cristy Fermin at Ogie Diaz kasama na ang kanilang mga co-host sa kani-kanilang online programs.





Kasama rin sa inireklamo ng Kapuso actress ang isang online basher na nagpapanggap na malapit sa kanya. Nakasaad sa complaint affidavit ni Bea na naging biktima siya ng mali, malisyoso at mga mapanirang impormasyon na mula sa nagpanggap na malapit sa kanya at inilathala at pinag usapan sa online shows nina Fermin at Diaz nang walang basehan.

 Kasama dito ang umano'y sunud-sunod na paninira kay Bea sa kanilang mga columns at mga show. Kabilang na ang issue na umano y di pagbabayad ng tamang buwis ng aktres. 

Kasama ni Bea sa filing ang kanyang abogadong si Atty Joey Garcia at manager na si Shirley Kuan. Susubukin naming kunan ng reaksyon ang mga respondent. 

Ang kabuuan ng report ay mapapanood sa 24 Oras mamaya.

 Abangan ang report ni Nelson sa 24 Oras.
Reactions

Post a Comment

0 Comments