Wala na sigurong mas sasakit pa sa kwentong ito na kamakailan ay nafeature sa Raffy Tulfo and Action. Ang nakaka gulat pa dito ay mismong pinsang buo ni Misis ang nahuling kasama niya sa kwarto habang nagtatalik. Si Idol Raffy ay nagulat din ng kanyang marinig ang kwentong ito.
Humingi ng saklolo ang Mister na si Ronie Yabut kay Raffy Tulfo. Nanginginig pa ito sa galit habang kausap si Idol.
Ayon sa kwento niya..
"Matagal na pong alam ng nanay ko, pinayagan lang po hindi sinasabi saken sahil akala nila magbabago papo.
Marami po akong ebidensya sir, nahuli po sila sa isang kwarto sir. Vinidyohan po ng mama ko yung nangyari na nahuli sila. Kasama po sa witness yung may ari ng bahay.
Silang dalawa po sa isang kwarto magkasama" (humagulgol sa iyak ang Mister habang nagkukwento kay Raffy Tulfo.)
At para maging patas ay kinausap din ni Idol ang kabilang panig. Dipensa ni Misis, sinet up lang daw sila.
"Set-up lang po ang lahat."
"Noong pong August 23, pinalayas po kami sa bahay ng Mister ko. Bitbit ko ang tatlong anak ko. Pinalayas nya po kami dahil ayaw nya pong pumupunta kami sa magulang ko. Eh magka baryo lang po kami Sir."
Samantala bago pa lumayo sa tunay na detalye ng problema, diretsahan ng ipinasalaysay ni Idol ang totoong nangyari noong oras na nahuli sila ng pinsan nito sa iisang kwarto.
Ayon sa kwento ni Abby Ghey Yabut ang Misis,
"Ganito po yan yung pinsan ko po siya lagi ang tumutulong sa akin mamalengke. Noong araw na yon nandun napo ang byenan ko at ang may ari ng bahay. Alam na po nila na nasa kwarto kami.
Sabi po ng babae may sumisilip panik kayo sa taas. Tas po pumanhik kami tas pagkasara nung pinto may kumakatok na sa pinto.
Sa puntong iyon ay tila naguluhan na si Idol Raffy at muling kinuha ang panig ng Mister.
Emosyonal na sumagot ang lalake, aniya..
"Paanong sinet uo, may chat yung lalake sir. May chat yung lalake sa may ari sir.
Nagdedeny kapa tange**** mo! (Sabay turo sa asawa via video call)
Mabilis na inawat ni Raffy ang mister upang humupa ang tensyon ng galit nito sa asawa.
Panoorin ang mismong video sa YouTube Channel ni Idol Raffy Tulfo..
0 Comments