Sa panahon ngayon ay tila hindi na masyadong binibigyan ng pansin ang tungkol sa konsepto ng "Time Travel". Dahil na rin siguro sa impluwensya ng syensiya na hindi pa rin napapatunayan kung totoo nga ito pero posible itong mangyari ayon na rin sa isang tanyag na syentipiko na si Albert Einstein.
Nakaka excite nga naman isipin na pwede ba yon na bumalik sa nakaraan? Or mag advance na makita ang future?
Sa naging pag iimbestiga ni Albert Einstein ayon sa kanya maaari talaga na totoo ang time travel.
Ang simpleng pagsakay umano saisang tren ay tila isang time travel na nga raw na maituturing. Kapag kase mabilis ang takbo ng isang bagay napapabagal nito ang oras kung kaya't kung pagkukumparahin ang isang tao na nakatayo sa earth at ang isang tao na nasa mabilis na sasakyan ay mabilis ma tatanda ang taong nakatayo samantalang bumagal naman ang pag tanda ng taong nakasakay sa isang mabilis na bagay.
Pero tungkol naman sa kung paano kakabalik sa nakaraan ay hindi ito masasagot ni Einstein.
Ang paglalakbay sa panahon (Time travel) ay isang konsepto ng paglipat o paglalakbay sa pagitan ng magkaibang punto sa panahon sa paraang kahalintulad ng paglipat o paglalakbay sa pagitan ng magkaibang punto sa pisikal na espasyo, sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga obhekto o impormasyon pabalik sa nakaraan(past) bago ang kasalukuyan o pagpapadala ng mga obhekto sa hinaharap(future) mula sa kasalukuyan ng hindi mararanasan ang mga pagitang panahon.
Ang isang teknolohikal na kasangkapang piksiyonal o hipotetikal na nagbibigay kakayahan na makapaglakbay sa panahon ay tinatawag na makina ng panahon(time machine). Ang isang piksiyonal na halimbawa ng makina ng panahon ang DeLorean sa pelikulang Back to the Future.
Ang isang anyo ng isang-direksiyong paglalakbay sa hinaharap(future) ay nauunawaang posible dahil sa penomenon ng dilasyon ng panahon batay sa belosidad sa espesyal na teoriya ng relatibidad ni Albert Einstein(na ang halimbawa ay ang paradokso ng kambal) gayundin sa grabitasyonal na dilasyon ng panahon sa teoriya ng pangkahalatang relatabidad ni Einstein. Hindi alam sa kasalukuyan kung ang batas ng pisika ay pumapayag na makabalik sa nakaraang panahon(past).
0 Comments