Ticker

6/recent/ticker-posts

Alden Richards, sinagot ang tanong kung sasama ba siya sa Legit Dabarkads?

     Bawat interview madalas na ibato ang katanungang ito kay Pambansang Bae Alden Richards. Kung mapapanood pa ba siya kasama ang Legit Dabarkads.

    Sa kauna-unahang pagkakataon, nilinaw na nito ang kanyang sagot.

aniya, "Gustuhin ko man na samahan sila pero hindi ko magagawa dahil exclusive lang ako sa GMA Network. Hindi ako pwedeng lumabas sa ibang network. Naiintindihan naman po ng Legit Dabarkads iyon sa katunayan may group chat po kami at nakakausap ko pa din po sila. Kung may pagkakataon na makasama ko sila like event pwede po. Pero tungkol naman po kung pwede ba akong mapanood sa E.A.T, malabo pa po sa ngayon."

Nilinaw din ni Asia's Multimedia Star Alden Richards ang tungkol sa nag-viral na interview niya nang sabihin niyang nasa TVJ ang kanyang loyalty.

"Tungkol naman po sa Loyalty na sinabi ko sa isang interview. Opo loyal ako sa TVJ compared sa bagong Eat Bulaga ngayon. Kaya po nakiusap ako sa management ng GMA na hanggat maaari ay huwag po nila akong i-guest doon dahil bilang pag-respeto ko nadin po sa Dabarkads na pamilya na rin po ang turing ko sa kanila."

Hindi maitatanggi ni Tisoy na ang Eat Bulaga ang nagpakinang sa kanyang bituin simula nang maging host siya rito at pumutok ang AlDub Phenomenon na naging tulay para maging isa siya sa mga pinaka sikat na aktor sa henerasyong ito.


Reactions

Post a Comment

0 Comments