Ticker

6/recent/ticker-posts

Bong Revilla, hiniling na tanggalin na ang suspensyon ng "Its Showtime" sa kadahilanang...

     Umaapela ngayon si Senator Bong Revilla na i-lift na o tanggalin na ang 12 days suspension na iginawad sa noontime show na Its Showtime. Dudulog umano siya kay Pangulong Bongbong Marcos upang mapawalang bisa ang naging desisyon ng Movie Television Review & Clasifications Board o MTRCB.


    Matatandaang ibinasura ng MTRCB ang Motion for Reconsideration na inihain ng pamunuan ng GMA Network at ABS-CBN Corporation para sa It's SHOWTIME. Kaugnay ng behaviour na ipinakita nina Ryan Bang, Ion Perez at Vice Ganda sa harap pa man din ng mga bata sa kanilang segment na Isip Bata.

    Narito ang naging pahayag ni Senator Ramon "bong" Revilla.

"Without getting into the merits of the case, the MTRCB should be able to consider the welfare of all the staff and crew [working in the show] who had nothing to do  with cited reason why the show was suspended."

"These are workers who are under a 'no work, no pay' scheme. If the suspension pushes through, they won't have the means to earn a living and put food on the table."

dagdag pa ng senador.

Ayon pa sa kanya mas mabuting dumulog o magpunta ang GMA Network sa Office of the President kaysa makiusap sila sa MTRCB. Naniniwala ang senador na pagbibigyan sila ng Pangulo for Humanitarian consideration.

Reactions

Post a Comment

0 Comments