Ticker

6/recent/ticker-posts

Alden Richards, narealized kung gaano ka halaga ang ADN sa kanyang career.

Sa naging presscon ng kanilang pelikula ni Julia Montes na “Five Breakups and a Romance” na co-produce ng GMA Pictures, Corner Stone Agency at ng kumpanya ni Alden Richards na Myriad. Sa isang parte ng kanyang speech sinabi ni Tisoy na deserved umano ng mga taga-hanga na bigyan ng premium dahil ang mga fans or fandoms ang bumubuhay sa kanila.


Kung wala umano ang mga fandoms na matyagang pumipila, nanonood at sumusuporta ay wala raw ang showbiz industry. Kaya pakiusap ni Alden Richards na wag daw na nila-lang “Lang” “Supporters Lang Yan” “Fans Lang Yan”.


Narito ang buong pahayag ni Asia’s Multemedia Star Alden Richards. 

“In this event of what happen tonight, huwag nating sabihin na.. supporters, fans and quote and qoute lang. 

Supporters lang yan… Fans lang yan…

The whole showbiz industry revolves around the fandom. Dahil the fans spend money, wake up early and line up to concerts, premier nights spend money to be with you. In different parts of the local scene and even international. So why not give them premium.

They deserved it. They deserve to be highlighted, the deserve to be recognized. Kase kung wala po ang fans, wala po ang showbiz industry. Because they make the showbiz industry foster.

So with this event that happen tonight. Sana po hindi ito yung last. I hope this is the start na sana po with this kind of event that were having let’s involve them.

Kase kanino po ba natin binebenta or kanino po ba natin ito ginagawa. It’s for them. It’s for the fans, so isama natin sila sa buong journey ng paggawa ng magagandang konsepto, teleserye, pelikula or anything.

Just because they are the ones who will bring it to life. So dapat mahalin po natin yung fans more than haw much we love our craft. “

Matatandaan na noong kasagsagan ng AlDub Phenomenon doon lang naranasan na Tisoy ang lakas ng mga fandoms at nagpayaman sa kanya ng todo. Ang mga fandom na ito rin ang naging dahilan kung bakit naging matagumpay ang kanyang mga nagdaang proyekto gaya ng Highest Grossing Filipino Film of All Time na “Hello, Love, Goodbye”

Hindi man direktang binanggit ni Alden Richards ang AlDub Nation. Marahil ito ang kanyang naging basehan kung bakit niya nasabi ang kanyang mga ipinahayag sa prescon. 



Isang malaking role ang ginampanan ng AlDub Nation sa kung ano man si Tisoy ngayon bilang isang matagumpay na aktor at endorser.

Panoorin ang Trailer ng kanilang pelikulang 'Five Breakups and a Romance' na mapapanood na sa October 18, 2023.

Reactions

Post a Comment

0 Comments