Ticker

6/recent/ticker-posts

Barkong nanagasa sa mga mangingisda, Tukoy na nang PCG.

 Tukoy na nga ng Philippine Coast Guard kung anong klase ng barko ang nanagasa sa mga mangingisdang pumalaot noong madalaing araw ng Lunes, October 2, 2023.



Sa nasabing aksidente sa karagatang sakop ng Philippine Economic Zone malapit sa bahura ng Bajo de Masinloc sa Zambales. Kumpirmado na tatlo ang nasawi.

Ayon sa Philippine Coast Guard, lumubog ang fishing vessel na sinasakyan ng mga biktima matapos silang banggain ng hindi pa tukoy na barko. 



Pero ayon sa pag-iimbistiga at pagtingin sa mga datos na kanilang nakalap malaki ang porsyento diumano na ang barkong nakabangga sa mga mangingisda ay ang 'Pacifica Anna' na kasalukuyang naglalayag papuntang Singapore.


Samantala, nagpa abot na nag pakikiramay si Pangulong Bongbong Marcos sa mga naulila ng tatlong nasawing mangingisda. At tiniyak na makukuha ng mga ito ang hustisya.

Narito naman ang pahayag ng PCG,

        "We assure the victims, their families and everyone that we will exert every effort to hold accountable those who are responsible for this unfortunate maritime incident."






Reactions

Post a Comment

0 Comments