Ticker

6/recent/ticker-posts

IPOPHL, ibinasura ang apela ng TAPE Inc.

Isang magandang balita para sa mga Legit Dabarkads. At mga lehitimong taga subaybay ng TVJ. Ibinasura kasi agad ang apela ng TAPE Inc. na nagpapawalang bisa sa trademark ng Eat Bulaga. Ayon sa balitang ibinahagi ni MJ Marfori ng News 5.



 Pagkatapos umanong lumabas ng desisyong nagpapawalang bisa sa TAPE sa paggamit ng Eat Bulaga. At pagkilala ng Intellectual Property Office of Philippines. Agad daw na naghain ng apela ang kampo ng Television and Production Exponents Inc. Nang matanggap daw ng IPO ang pag apela ng TAPE ay ibinasura ito kaagad ng IPO.

 Wala raw kasing ebidensya na nagpapatunay kung paano nila na imbento ang trademark na ‘Eat Bulaga’ samantalang ang paliwanag ng TVJ tungkol sa paglikha ng Eat Bulaga ay kumpleto at detalyado. Isang malinaw na batayan na sila nga ang tunay na nagmamay-ari ng nasabing trademark.
Reactions

Post a Comment

0 Comments