Ticker

6/recent/ticker-posts

Alden Richards, sinigurong si Boy Abunda ang unang mag-aanunsyo sakaling magpakasal na ito.

 

    Muli na namang nakapanayam ni Tito Boy Abunda si Pambansang Bae Alden Richards sa kanyang programang ‘Fast Talk with Boy Abunda’ Ayon kay Alden, hindi na sya ang ‘Boy’ na nakausap nito noon. Dahil ngayon ay matured na sya at matatawag na ‘Man’ 



 Ngunit malaking bagay daw kay Tisoy ang mga pinagdaanan ng young boy na si Richards Faulkerson. Napag-usapan din ang life experience ni Alden Richards gaya ng pagsali nito sa mga pageant sa Laguna noon.

 Naikwento pa nito na sa Ginoong Sta Rosa siya unang nadiscover matapos nyang masungkit ang titulo. Samantala hindi na rin daw maalala ni Alden ang mga tanong na tinanong sa kanya. 

Pero tanda pa nito ang katanungang kanyang isinagot noon sa Ginoong Sta Rosa. “Do you think joing beauty pageant is a form of exploitation?”

 “Good evening Ladies and Gentlemen, I don’t believe that joining pageant is a form of exploitation because this kind of events harness the youth to become themselves and to reach their dreams and also its a voice and stepping stone for them to achieve their dreams.”  sagot ni Alden Richards

Samantala, tinanong din si Tisoy tungkol sa estado ng kanyang lovelife ngayon. 

 “Ngayon Tito Boy honestly im enjoying my time. Pero if ever man po kung magpapa presscon ako kukunin kitang host pag maga announce nako officially kung sino ang aking makaka partner.”




Reactions

Post a Comment

0 Comments