Ticker

6/recent/ticker-posts

Dennis Trillo at Vice Ganda nagkaharap sa GMA Gala 2024.

     Isa nga sa mga malaking balita na bumasag sa mundo ng showbiz ang naging pahayag ni Kapuso Drama King Dennis Trillo tungkol sa ABS-CBN. Na tila insulto sa mga taga-ignasya. Nagsimula ito noong magreply sa isang komento ang kapuso actor tungkol sa ku

makalat na issue na napipintong paglipat ni Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado sa ABS-CBN.



Pero imbes na sagutin ito ni Dennis Trillo ay ganito ang kanyang sinabi. "May ABS pa ba?"

Tila pabiro niya itong sinabi pero ikina-sama ito ng mga Kapamilya at nagbanta pang hindi na susuportahan ang upcoming series nito na Pulang Araw.

Mabilis na kumalat ang mga screenshots at nagtrending ang kanyang naging pahayag dahilan upang maraming Kapamilya ang masaktan at magalit sa kanya.

Kinagabihan ay nagdamage control ang kanyang management at naglabas ng statement . Ayon sa kanila na hacked umano ang TikTok account  ng aktor at hindi siya ang mga nagkomento sa mga ito.

Fast forward ngayong GMA Gala 2024 malawak ang ngiti ni  Dennis Trillo na sinalubong at winelcome ang Showtime Family sa nasabing Gala.  Makikita sa video na masayang niyang kinamayang ang bawat isa lalong lalo na si Vice Ganda. Isang indikasyon na maayos sila at walang issue na namamagitan sa mga Kapamilya at Kapuso. 

Reactions

Post a Comment

0 Comments